Thursday, January 22, 2009

LP: Kahel

Magandang araw!!

Ngayong nalalapit na ang Lunar Chinese New Year, punong-puno ang mga tindahan/prutasan dito ng iba't ibang kulay kahel.

Kahon-kahong ponkan/mandarin orange

Iba't-ibang klase ng maaasim na prutas

At itong mga maliliit na kalabasa

Ngayon lamang ako nakakita ng ganito kadaming ponkan sa mga grocery. Lahat ng grocery ay may tindang kahon-kahong ponkan. Nakakatakam!! Lalo na sa aking mgahilig sa ponkon. lol.

Sa aking pagsaliksik, ipinamimigay ang ponkan tuwing chinese new year sa mga kamag-anak na dumadalaw. Syempre may kasama itong ampaw (hong bao). Nakaka-engganyong bumili lalo na pag makikita din ang makukulay na palamuti para sa nalalapit na new year.

Gong Xi fai cai!! para sa mga kaibigang chinese.

Magandang LP!!

No comments:

Post a Comment